Axie Infinity, ang mala-Pokémon na NFT battle game ay pumatok pagdating sa dami ng daily active users lalo na sa Pilipinas. Pero, habang dumadami ang naglalaro ay lumalaki din ang bilang ng nagiging biktima ng hacking at scam. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa NFT or anumang bagay na patungkol sa cryptocurrency, ang pagprotekta sa iyong account ay dapat laging gawing prayoridad.

Bakit? Kapag ang iyong cryptocurrency, NFT o sa partikular na kasong ito – ang iyong Axie ay ninakaw, ang pagkakataong mabawi ito sa mga hacker o scammer ay halos imposible.

Tandaan, ang Axie Infinity ay gumagamit ng NFT, na may ibang kabuuang backend system kumpara sa mga tradisyunal na laro.

Kung pagmamay-ari at hawak mo ang sarili mong Axie account o namamahala ng mga iskolar, para sa iyo ito. Sa kabilang banda, kung ikaw ay isang iskolar, pwede mong ibahagi ang artikulong ito sa iyong manager para matulungan siyang HINDI mawala ang kanyang investments.

Ngayon, paano mo masisigurong ligtas ang iyong account?

Tiyaking secure ang iyong mga device

Common sense na dapat ito, naglalaro ka man ng Axie Infinity o hindi. At kung mahilig kang mag-download ng mga craked game at pelikula sa mga hindi mapagkakatiwalaang website, inilalagay mo sa panganib hindi lamang ang Axies mo pero lahat ng account mo sa pangkalahatan kasama na ang mga account mo na nauugnay sa finance.

Some tips:

  • Panatilihing updated ang mga device (Windows/macOS/Android/iOS/etc). Ang mga kompanyang naghahandle ng mga operating system na ito ay madalas maglabas ng update pangseguridad para matiyak na ligtas lahat ng device hangga’t maaari.
  • Tigilan ang pag-download ng software o files sa pangkalahatan mula sa mga random website. Kung kakailanganin talaga, gumamit ng ibang device o gumamit ng virtual machine kung ikaw ay intermediate user.
  • Kung gumagamit ng Android phone, tigilan and pag-install ng mga pirated APK. Maliban kung nag-iinstall ka ng open-source APK file na mapapatunayan mo mismo na safe, halos walang paraan para mapatunayan kung ang mga APK na na-download at in-install mo ay walang built-in virus o malware para manakaw ang iyong data.
  • Maliban kung alam mo ang ginagawa mo, huwag i-root o i-jailbreak ang iyong mobile phone. Ang pag-root ng iyong Android phone o pag-jailbreak ng iyong iPhone ay pwedeng maging kapaki-pakinabang pagdating sa mga features, pero kung hindi mo alam ang ginagawa mo sa teknikal na antas, posibleng nagbibigay ka ng administrator access sa isang malicious software.
  • Kung gumagamit ka ng isang Windows device, dalasan ang pag-scan ng malware/virus. Hindi mo kailangang mag-download ng anumang espesyal na anti-virus or anti-malware software. Ang built-in Windows Security software ay spat na.
  • Huwag gumamit ng cracked version ng Windows, Linux or anumang iba pang operating system. Libre ang parehong operating system, walang dahilan para gumamit ka ng cracked version na maaaring may naka-built-in na malicious software.

Itago ang iyong backups.

“Hindi ko kailangan ng backup. Hindi ko naman mawawala ang cellphone/computer ko”

– mula sa taong nawala lahat ng pera matapos masira o manakaw ang kanyang device

Kung ang cellphone o computer mo ay nasira o nanakaw at wala kang backup ng mga account mo sa Metamask at Ronin, magpaalam na sa iyong Smooth Love Potions (SLP) at minamahal na Axies.

Naaalala mo ba ang 12-24 na salitang ipinasulat sa iyo pagkatapos gumawa ng account sa Metamask at Ronin? WAG KALIMUTANG ISULAT ITO.

At huwag mo itong i-save sa app ng iyong cellphone, gamit ang SMS, note/word file sa iyong computer, o kahit saang digital. Ang pag-save ng iyong backup digitally ay isa sa pinakamadaling paraan para manakaw ang iyong investments ng mga hacker sa pamamagitan ng virus/malware. Ang pagsulat nito sa isang papel ang pinakasimple pero pinakaligtas na paraan ng pag-backup ng iyong mga account.

Mag-ingat sa mga pekeng link ng Metamask at Ronin

Ang mga hacker at scammer na nagpapalaganap ng pekeng phishing links ng software sa mga search engine katulad ng Google na isa sa mga karaniwanang paraan para makapagnakaw sila ng mga cryptocurrency ng ibang tao, at pwede din nilang magamit ang parehong pamamaraan para subukang nakawin ang iyong Axie. Palaging siguraduing mag-download ng Metamask, Ronin o anumang iba pang software mula sa kanilang opisyal na website

MetaMask: https://metamask.io/
Ronin Wallet: https://skymavis.com/wallet

HUWAG ipamigay ang iyong Ronin Wallet Backups

HUWAG ipamigay ang iyong Ronin wallet backup sa sinumang hindi mo gaanong pinagkakatiwalaan. Kung ibibigay mo ang backup wallet ng Ronin sa isang tao, ang taong iyon ay pwedeng kinin at nakawin ang iyong Axies

TANDAAN: Kung ikaw ay manager ng mga iskolar. Ang kailangan lang nila ay mga kredensyal sa pag-log in ng account at/o ang login QR code.

Gumamit ng hardware wallet

Kung nagmamay-ari ka ng Axies (at/o cryptocurrency) na nagkakahalaga ng malaking pera, ang pag invest ng kaunting pera sa ligtas at pinagkakatiwalaang hardware wallet device ay napakahalaga. Ang pag gamit ng Trezor hardware wallet ang pinakamagandang opsyon para ma-maximize ang seguridad ng iyong Ronin wallet. Pag gumagamit ng hardware wallet, kahit na ma-infect ang iyong computer o mobile device ng malware, ang iyong Axie at Ronin wallet ay mananatiling lights.

TANDAAN: Upang makaiwas na makatanggap ng mga pekeng hardware wallet, bumili lamang ng hardware wallet sa opisyal na website

Trezor: Trezor.io

QUICK NOTE to our Philippine readers

We’ve been hearing about a lot of people from the Philippines that are having troubles with the local Philippine Customs department concerning their Trezor packages.

To circumvent such problems, we heavily suggest using middleman shipping companies such as ShippingCart.

  1. Create a ShippingCart account on ShippingCart.com
  2. Grab your ShippingCart U.S. address
  3. Order a Trezor hardware wallet on the official Trezor website using your ShippingCart address as the delivery address, NOT your Philippine address
  4. Once your Trezor package is received in your ShippingCart address, it’s now time for your Trezor package to be shipped to your Philippines home address

Final thoughts

Ang cryptocurrency space (kasama ang mga laro na nakabatay sa NFT tulad ng Axie Infinity) ay madalas na target ng mga hacker at scammer dahil sa dami ng pera na pwede nilang manakaw, kaya laging siguruhing nama-maximize mo ang iyong seguridad.

Kung ikaw ay mayroong mga kaibigan at kapamilya na naglalaro ng Axie Infinity o kabilang sa anumang social media group ng Axie Infinity, ibahagi ang artikulong ito para matulungan ang komunidad ng Axie Infinity.

Matapos lahat ng ito, happy gaming!

Axie Infinity: https://axieinfinity.com/
Axie Infinity Marketplace: https://marketplace.axieinfinity.com/
Ronin Wallet: https://skymavis.com/wallet
MetaMask: https://metamask.io/



-----

Thanks for reading!

CryptoSec was found to help people learn how to protect their bitcoin and cryptocurrencies from scammers and hackers. If you know people that are interested in crypto, feel free to share our articles to help them out with security.







Protect your backups from EXTREME conditions

Don't miss out with the latest crypto security news.

Protect your backups from EXTREME conditions